Bakit kailangan pahalagahan ang wikang filipino? ​

Answers

  • Réponse publiée par: enrica11

    dapat natin PAHALAGAHAN AT TANGKILIKIN ang ating Wikang Filipino dahil ayon kay Dr. Jose Rizal, "Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda."

  • Réponse publiée par: elaineeee

    Ang wikang ang nagsisilbing daluyan ng buhay natin. Ito ang pinaka pangunahing

    ginagamit ng mga Pilipino sa pang araw araw na buhay. Sa halos 7,107 na mga pulo ng Pilipinas, iba't iba man ang kultura, etniko, o lokal na wika, pinag-iisa tayo ng bigkis ng lahi sa pamamagitan ng ating pambansang wika. Kung walang iisang wika, ang wikang Filipino, mararating kaya natin ang kaunlaran ng bansang Pilipinas?

  • Réponse publiée par: 09330399672

    Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Iba’t-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling wika? Ito ba ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila kanilang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya,at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa atin na ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay dahil tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katutuhanan. Kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa gagaamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo magpunta.

    Explanation:

  • Réponse publiée par: nelspas422

    Dahil ito ang unang wikang ating natutunan at dahil ito ang wika ng mga Filipino

    Explanation:

  • Réponse publiée par: Axelamat

    Explanation: dahil ang wika ay isang paraan ng pakikipagkapwa tao o pakikipagusap sa ibang tao.

  • Réponse publiée par: janalynmae

    Kasi ito ang nagpapakita at nagrerepresenta sa ating bayan at kultura

  • Réponse publiée par: dorothy13
    Pahalagahan Ang Wikang Filipino At Iba Pang Wika Sa Mundo Mga Dahilan Kung Bakit Kailangan Pahalagahan Ang Mga Wika

    Mahalaga na pahalagahan ang wikang Filipino at maging ang bawat wika sa mundo dahil ang wika ay may malaking bahagi sa buhay ng bawat tao sa mundo. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit kailangan pahalagahan ang wikang Filipino at iba pang mga wika sa mundo:

    Instrumento ang wika sa komunikasyon Nagbubuklod ng bansa Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman Lumilinang ng malikhaing isip

    Ang wikang Filipino at maging ang iba pang wika sa mundo ay ang siyang gamit upang ang bawat tao ay makapagpahayag ng damdamin, saloobin at kaisipan. Dahil din sa wika, kung maaalala, ang wikang Filipino ang siyang dahilan din upang magkaisa ang mga tao, umunlad at makamit ang kalayaan. Dagdag pa rito ay pinapalawak din ng wika ang pagka-malikhain ng isip ng isang tao. Panghuli, nagpapalaganap din ito ng kaalaman sapagkat ang wika hindi lamang ng wikang Filipino kung hindi maging ng iba pang wika ang siyang midyum ng karunungan.

    Buksan ang mga links na ito para sa karagdagang impormasyon:

    Ano ang wika?

    Ano ang una at pangalawang wika?

    Barayti ng wika

    #LetsStudy

Connaissez-vous la bonne réponse?
Bakit kailangan pahalagahan ang wikang filipino? ​...