isang mapanganib na pagsubok ang ipinagawa ni venus kay
psyche. pinakukuha niya si psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng ilog.
ang mga tupa ay mababangis at mapanganib. nang marating ni psyche ang ilog,
natutukso siyang tumalon at magpalunod na lamang upang matapos na ang kaniyang
paghihirap. nakarinig siya ng tinig mula sa halamang nasa tabi ng ilog. “huwag kang
magpapakamatay. hindi naman ganoon kahirap ang ipinagagawa sa iyo. kailangan
mo lang maghintay ng tamang panahon upang makakuha ng gintong balahibo ng
tupa. pagsapit ng hapon ang lahat ng tupa mula sa malalabay na halamanan ay
magtutungo dito sa ilog upang magpahinga. magtungo ka sa halamanan at doon ka
kumuha ng mga gintong balahibong nasabit sa mga sanga.” sinunod ni psyche ang
payo ng halamang nasa tabi ng ilog. umuwi siya sa kaharian ni venus na dala ang
mga gintong balahibo ng tupa.
“may tumulong sa iyo! ” sumbat ni venus kay psyche. “hindi mo ginagawa nang
mag-isa ang mga pinagagawa ko sa iyo. hindi bale, bibigyan kita ng pagkakataong
patunayan na sadyang mapagkunwari kang may mabuting puso at magaling.” itinuro
ni venus sa malayo ang itim na tubig ng talon. binigyan niya si psyche ng prasko at pupunuin ito ng itim na tubig. nagtungo si psyche sa ilog ng styx. nakita niyang
malalim ang bangin at mabato. tanging may pakpak lamang ang maaaring makaigib
ng tubig. sa lahat ng kaniyang pagsubok, ito na ang pinakamapanganib. tulad ng
inaasahan may tumulong kay psyche. isang agila ang dumagit sa praskong tangan ni
psyche at lumipad malapit sa talon. pagbalik ng agila, puno na ng itim na tubig ang
prasko.
hindi pa rin sumusuko si venus sa pagpapahirap kay psyche. ayaw niyang
magmukhang tanga sa harap ng madla. ipinagpatuloy niya ang pagpapahirap sa
kawawang mortal. binigyan niya si psyche ng isang kahon na paglalagyan niya ng
kagandahang kukunin ni psyche mula kay proserpine, ang reyna sa ilalim ng lupa.
inutos ni venus na sabihin ni psyche na kailangan niya ito sapagkat napagod siya
sa pag-aalaga ng kaniyang anak na maysakit. katulad ng mga nauna agad tumalima
si psyche. dala ang kahon, tinalunton niya ang daan papunta sa kaharian ni hades.
tinulungan siya ng isang tore na nagbigay sa kaniya ng detalyadong hakbang patungo
sa kaharian sa ilalim ng lupa. una, kailangan niyang pumasok sa isang butas na
lagusan patungo sa ilalim ng lupa sa tabi ng ilog ng kamatayan. kailangan niyang
sumakay sa isang bangkang ang bangkero ay si charon. kailangan niyang bayaran ng
pera si charon upang siya ay makatawid. makikita na niya ang lansangan patungo sa
palasyo. sa pintuan ng palasyo may nagbabantay na isang asong tatlong ulo. kapag
binigyan ng cake ang aso ito ay magiging maamo at papayag nang magpapasok sa
palasyo.
nagawa lahat ni psyche ang ipinaliwanag ng tore. pinaunlakan din ni
proserpine ang kahilingan ni venus. agad nakabalik si psyche nang mas mabilis
pa kaysa kaniyang pagbaba. gayunman, nasubok muli ang karupukan ni psyche.
sa paghahangad niya ng karagdagang kagandahan upang umibig muli si cupid sa
kaniya, natukso siyang kumuha ng kaunting ganda sa loob ng kahon. nang buksan
niya ito, tila walang laman subalit nakadama siya ng matinding panghihina at agad
answer:
pagpapanumbalik sa nadapa
paghahasik at pag aani
pagpapasann nang pasanin

nakatulog.
pagmamahalan < 3
Other questions about: Filipino
Popular questions