Buod ng kwentong si ipot ipot at amomongo​

Answers

  • Réponse publiée par: elaineeee

    Ang aral na mapupulot sa kuwento na ipot-ipot at amomonggo ay hindi dapat inaapi ang kapwa natin dahil maaaring makakapagpasakit ka ng damdamin nito at huwag natin pakikialaman ang buhay ng iba dahil lahat tayo ay may misyon na hinaharap sa buhay.

    Explanation:

  • Réponse publiée par: axelamat70

                     Buod ng Kwentong “Si Ipot Ipot at si Amomongo”

    Isang gabi may isang Alitap-tap si Ipot-Ipot papunta siya sa bahay nang kanyang kaibigan. Habang papunta siya sa bahay ng kaibigan niya, may nakasalubong siya na isang gorilya na si Amomongo. Sabi ni Amomongo, Hoy Ipot Ipot bat lagi mong dala ang iyong ilawan? Nakakatawa ka tuloy tingnan Hahaha! Ang tugon ni Ipot-Ipot, Alam mo Amomongo, Dinadala ko ang aking ilawan, una, upang Makita ko ang aking daraanan; at pangalawa, upang Makita ko ang mga lamok at nang sila’y akong maiwasan paliwanag nito. Tinawanan si Ipot Ipot ni Amomongo dahil duwag daw si Ipot Ipot dahil takot siya sa mga lamok. Hindi nalang pinansin ni Ipot Ipot si Amomongo at ito nay umalis. Hindi lang doon hanggang kumalat ito sa Buong kagubatan at hanggang narinig ito ni Ipot Ipot. Agad niya pinuntahan ang bahay ni Amomongo at nakita niya na tulog siya, inilawan ni Ipot-ipot ang mukha ni Amomongo upang magising ito at sinabihan ni Ipot-ipot si Amomongo na Hoy! Amomongo! Gising! Bakit ipinamamalita mo raw na duwag ako? Sadya nga yatang itim ng Budhi mo. Sige, Bukas ng gabi, pumunta ka sa plasa at sa harap ng lahat patunayan kong hindi ako duwag! Ang tugon ni Amomongo Hoy Ipot-Ipot! Huwag ka ngang balat sibuyas. At ngayo’y naghahamon ka sa isang labanan? Iyang liit mong iyan? Pupulbusin kita Hahaha! Sabi ni Ipot-Ipot kahit magdala kappa diyan ng mga kaibigan mo, haharapin ko kayong lahat mag isa. Laking tuwa ni Amomongo sa sinabi ni Ipot-ipot. Kinabukasan mas nauna dumating si Ipot-Ipot keysa ni Amomongo, nalaman din nang ibang hayop na may labanan na magaganap at nanood din sila sa labanan nila Ipot-Ipot at Amomongo. Ang grupo nila Amomongo ang nauna kumalaban kay Ipot-ipot na may dalang mga pamalo, Inatake nila si Ipot-ipot pero nakatakas si Ipot Ipot lumipad ito pataas, Dumapo si Ipot-Ipot sa ilong ni Amomongo, Dali dali lumapit ang mga kasamahan ni Amomongo dala ang kanilang pamalo, Pinalo nila ang Ilong ni Amomongo pero hindi nila tinamaan si Ipot-ipot dahil mabilis itong kumilos. Gayundin ang nangyari sa kasamahan ni Amomongo, dumapo si Ipot Ipot sa mga kasamahan ni Amomongo sa kanilang mga ilong at napalo nila ang isa’t isa. Natumba nalang silang lahat pero hindi pa nila napatumba ang kalaban nila na si Ipot-Ipot. Sabi ni Ipot Ipot “Ngayon sino sa inyong mga gorilya ang magsasabing duwag ako?” ang mataginting na tanong ng maliit na Alitaptap (Ipot-Ipot). Yukong yuko ang ulo ng mga gorilya. Bahag ang buntot dahil sa kahihiyang dala ng nangyari kaya’t hindi sila makapagsalita. Tiningnan muna sila ni Ipot-Ipot na umiiling-iling sa kinahinatnan ng isang pulutong ng mga unggoy at saka ito tahimik na lumipad palayo upang ipagpatuloy ang kanyang sariling lakad tulad ng Dati. 

    --Created by James--

Connaissez-vous la bonne réponse?
Buod ng kwentong si ipot ipot at amomongo​...