Ano ang buod ng pelikulang hello love goodbye? ?

Answers

  • Réponse publiée par: tayis

    Si Joy ay isang babaeng walang panahon sa pag-ibig. Maging sa sarili niya ay wala siyang panahon. Lahat ng oras niya ay napupunta sa pagtatrabaho. Halos hindi na siya natutulog sa dami ng trabahong pinasukan niya kumita lang ng malaking halaga para sa mga papeles na kakailanganin niya sa pagtatrabaho sa Canada.

    Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay dumating sa buhay niya si Ethan na nagparamdam sa kaniya kung gaano kasarap ang magmahal at mahalin. Si Ethan ang nagpakita sa kaniya na kahit na gaano siya kaabala ay meron at meron pa rin siyang oras na mailalaan sa pag-ibig at para sa kaniyang sarili.

    Ngunit tila ba hindi pa sapat na dahilan ang pagmamahal ni Ethan sa kaniya para manatili siya sa Hongkong. Pinili pa rin niya sa huli na ituloy ang pangarap niyang magtrabaho sa Canada kahit pa ayaw ni Ethan na umalis siya. Bilang mahal siya ni Ethan ay sinuportahan siya nito sa desisyon niya. Imbes na pigilan siyang umalis ay sinulit na lamang nila ang nalalabi pa nilang oras na magkasama. Sa huli ay mas pinili ni Joy na ituloy pa rin ang noon pa niya planong pagpuntang Canada.

  • Réponse publiée par: rhaineandreirefuerzo

    Sa airport, handa nang lumipad papauwi ng Pilipinas si Joy Marie Fabregas (Kathryn Bernardo), isang college graduate ng nursing na namamasukan bilang DH sa Hong Kong. Susunod: flashback sa nakaraang apat na buwan kung saan isinasa-larawan ang mga hirap na dinaranas ni Joy maitaguyod lamang ang pamilya. Makikilala niya si Ethan del Rosario (Alden Richards); sa umpisa ay binabara-bara niya ang mga patutsada nito, pero kalaunan ay magkakalapit din sila. Ayaw dibdibin ni Joy ang relasyon nila ni Ethan dahil nangingibabaw sa kanyang isipan ang napipintong katuparan ng kanyang pangarap na maginhawang buhay sa Canada. Ang dating pabling naman na si Ethan ay siryoso nang maghahanda para sa kinabukasan nila ni Joy bilang mag-asawa.

Connaissez-vous la bonne réponse?
Ano ang buod ng pelikulang hello love goodbye? ?...