Wag ako boi kaya kong
tumakas sa bahay ng
hindi tumutunog yung pintuan

Answers

  • Réponse publiée par: JUMAIRAHtheOTAKU

    \tt \hearts \:  = \:  \:  \:  \: :(

    Explanation:

    Ansaket pla isipin na pinaglalaruan ka lang mag wawan yer na sa Feb.


    Wag ako boi kaya kong tumakas sa bahay ng hindi tumutunog yung pintuan
  • Réponse publiée par: enrica11

    tulang modernista -  hindi nakakulong sa sukat at tugma at iniisip ang sarili. natuon sa karanasan.


    ang isang halimbawa ay ang ako ang daigdig ni  alejandro abadilla:


    i

    ako 

    ang daigdig


    ako 

    ang tula


    ako 

    ang daigdig

    ng tula

    ang tula

    ng daigdig


    ako

    ang walang maliw na ako

    ang walang  k a m a t a y a n g  ako

    ang tula ng daigdig


    ii

    ako

    ang daigdig ng tula

    ako

    ang tula ng daigdig


    ako ang malayang ako

    matapat sa sarili

    sa aking daigdig

    ng tula


    ako

    ang tula

    sa daidig


    ako 

    ang daigdig

    ng tula

    ako


    iii

    ako

    ang damdaming

    malaya


    ako

    ang larawang

    buhay


    ako 

    ang buhay

    na walang hanggan


    ako

    ang damdamin

    ang larawan

    ang buhay


    damdamin

    larawan

    buhay

    tula

    ako


    iv

    ako

    ang daigdig

    sa tula


    ako

    ang tula

    sa daigdig


    ako 

    ang daigdig


    ako

    ang tula


    daigdig

    tula

            ako








    isa pang halimbawa:


    hindi n a m  a t a y si rizal para l u m a n d i ka  (ni abby orbeta, words anonymous)


    november 23, 2009. 

    limampu’t walong katao ang p i n a t a y sa ibabaw ng isang burol sa bayan ng ampatuan sa maguindanao.



    tatlumpu’t isa dito ay mga media personnel. 



    ang iba naman ay human rights lawyer at mga babaeng kabilang sa pamilyang mangundadatu. 



    limang taon na ang nakalipas, wala pa ring hustisya na nakarating sa mga


    n a m a t a y  at  n a m a t a y a n.




    limang taon na ang nakalipas mula ng sinabihan ka nya ng:

    “i need space. i’m sorry. it’s not you, it’s me.”



    tapos two weeks later, nakita mo syang may bagong kaholding hands sa may megamall.



    ugh. ang sakit. ang sakit. sakit.



    galit na galit ka noon.



    handa ka nang p u m a t a y.




    limang taon na ang nakalipas,



    limampu’t walong tula, kanta, at kwento na ang nagawa mo tungkol sa kanya.



    tatlumpu’t isa dito ay may temang “sana ako na lang, sana tayo nalang ulit.”



    ilang araw nalang ikakasal na sila,



    nanghihingi ka pa rin ng hustisya.






    september 26, 2009.

    400  mm ng ulan ang bumuhos sa loob ng anim na oras na




    nagdulot ng malawakang pagbahang naka-apekto sa



    halos apat na milyong tao.


    400mm na rin ng luha ang tumulo sa mga mata mo mula nang iwan ka nya.



    mukha ka nang panda.



    hindi yung cute na panda ha. yung p a n g i t. kung meron man nun.



    sa laki ng eyebags mo sa kakaiyak,



    nangako ka sa sarili mong magpapaganda ka.



    kasi kapag gumanda ka tiyak na babalik sya.




    apat na milyon na ang nagastos mo sa pagpapaganda, hindi pa rin sya bumabalik.



    sana kumain ka na lang. 

    nagtravel. 




    nagvolunteer para tumulong sa mga nangangailangan.



    ganun.

    sumaya ka pa siguro.






    2013 noong tumama ang bagyong yolanda sa kalakhang visayas.



    mayroon itong windspeed ng 315 kms per hour.



    6,340 ang  n a m a t a y  dahil sa matinding storm surge na dala ng bagyong ito na hindi nila napaghandaan.




    nung gabing iyon nakita mo ang tweet ni ultimate pag-ibig na

    magvovolunteer daw sya sa so and so relief center with his bros.



    so punta ka naman dun.

    nakaposturang wari mo’y pupunta ka sa isang piging.




    pagkatapos ng tatlumpung minuto,

    hindi pa rin dumarating si ultimate pag-ibig.



    kaya galit na galit kang umalis, 

    315kms per hour kung susukatin ang bilis.

    at bumulusok na parang storm surge sa forever 21

    dala dala ang credit card ni daddy.




    lampas 6, 430 ang nacharge mo noong araw na yun.


    nagalit ang tatay mo sa laki ng ginastos mo.

    katumbas na raw yun ng grocery nyo para sa dalawang linggo.

    akala nya ipambibili mo ng idodonate sa nangangangailangan



    kaya game na game syang ibigay.

    andami daming nagugutom.



    pero interesado ka lang pala sa vo-l a n d i!

    volunteering while l a n d i-ing.




    sa galit nya tinanggalan ka nya ng cellphone at privilege lumabas ng isang buwan.



    kung makareklamo ka kala mo’y political prisoner ka noong panahon ng batas militar.



    sumulat ka rin ng mga tula at kwento tungkol sa freedom

    ala- ninoy at joma.



    noong natapos ng isang buwan, nagpasaboy ka rin ng yellow confetti palabas ng bahay



    ala- edsa 1986.




    sinulat ni rizal sa isa sa kanyang mga tula na 

    “ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”



    naniniwala pa rin ako dun.

    wala man tayo sa panahon ng pagsakop ng mga espanyol 

    o sa diktadura ni ginoong marcos,

    kaliwa’t kanan pa rin ang isyu sa ating bayan.

    napakarami pa ng ating kailangang bunuin.




    kaya kilos.




    hindi n a m a t a y si rizal para l u m a n d i ka.

  • Réponse publiée par: elaineeee
    Hahdjfkgkirisidbisjsjxua
Connaissez-vous la bonne réponse?
Wag ako boi kaya kong tumakas sa bahay ng hindi tumutunog yung pintuan...